Geplaatst op: 22 juli 2009 door sarah
Muntik nang maulila si Kyle Baleva, gaya ng mga anak ng pinatay o nawawalang Pilipinong mga aktibista. Noong 2001, dinukot, tinortyur, at ilegal na ikinulong ng gobyernong Arroyo ang kanyang ama na si Boyen Baleva. Masuwerte lamang si Kyle at muling nakapiling ang ama, na noo’y naghain ng political asylum at ngayo’y nakatira sa Utrecht, The Netherlands kasama ng kanyang buong pamilya. Tatlong taong gulang pa lamang si Kyle nang sumapit ang mapait na karanasang nagtulak sa kanyang pamilya na lisanin ang bayan niyang sinilangan. Ngayon, 12 taong gulang na siya. Nasa hustong edad na para sumali sa “Walk of the World” o ang pinakasikat at pinakamalaking walkathon sa mundo. Kasalukuyang ginaganap sa Nijmegen, The Netherlands ang International Four Days Marches, na nagsimula noong Hulyo 21 at matatapos sa Hulyo 24. Kabilang si Kyle sa 45,000 kataong kalahok dito. Maglalakad sila ng 40 hanggang 50 kilometro kada araw sa loob ng apat na magkakasunod na araw. Sumali si Kyle hindi lamang para makatanggap ng Gladioli, simbolo ng lakas at tagumpay na iginagawad noon sa mga mandirigmang Romano, na ibinibigay sa mga magtatapos ng walkathon. Sumali siya para mangalap ng suporta mula sa internasyunal na komunidad para sa mga naulila ng mga aktibistang pinatay o nawawala sa ilalim ng gobyernong Arroyo. Sa bawat kilometrong nilalakad ni Kyle, layon niyang makakalap ng 20 Euro cents (o P14) para sa kabuuang 1,000 Euros (o P70,000). Ibibigay niya ang halagang ito sa “A Hand for an Orphan Program” ng Children’s Rehabilitation Center, isang non-government organization naka-base sa Quezon City na tumutulong sa mga batang biktima ng paglabag sa karapatang pantao. “Gusto kong may gawin para naman mapasaya ang mga batang naulila,” sabi ni Kyle sa isang e-mail sa Pinoy Weekly. Bilang paghahanda sa walkathon, 10 linggo nang nag-eensayo si Kyle. “Noong nakaraang linggo, nagpahinga ako matapos kong maglakad ng 30 kilometro sa tatlong magkakasunod na araw nang hindi talaga napapagod,” aniya. Hindi ito ang una niyang marathon. Hindi rin ito ang una niyang pakikilahok sa isang adbokasiya. Noong Mayo, naglakad siya para sa mga homeless o mamamayang walang tirahan sa The Netherlands. Pero ang Walk of the World ang kanyang pinakamalaking pisikal na hamon at ambag sa adbokasiyang pinakamalapit sa kanyang puso.
Noong Mayo, naglakad din si Kyle para sa mga homeless sa The Netherlands. (Contributed Photo)
Inaasahan niyang haharapin na pagsubok ang init ng araw at umano’y pabagu-bagong klima. Gayunpaman, wala siyang nakikitang dahilan para hindi magtagumpay. Sinimulan ang marathon ng mga sundalo at guro noong unang bahagi ng 1900s para maipopularisa ang sports o palakasan sa nasabing bansa. Ngayon, libu-libong European ang lumalahok dito. Para sa taong ito, umabot sa 48,000 ang mga nagrehistro, kaya napilitan ang mga organisador na magdaos ng lottery para limitahan ang mga kalahok. Dapat kasama ni Kyle ang kanyang ama sa Walk of the World, pero hindi nabunot ang kanyang pangalan sa lottery. Samantala, sa Pilipinas, kasalukyang ding naglalakad pa-Maynila ang isang malaking grupo mula sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon ng Timog Katagalugan. Kabilang ang mga bata—mga anak ng maralitang mga magsasaka, manggagawa, at tagalungsod—sa nasabing “Lakbayan” na sasanib sa malawakang kilos-protesta sa ika-siyam na State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo sa Hulyo 27. Sa Hulyo 24, sa huling araw ng paglalakad ni Kyle, sasabayan siya ng mga bata sa tinaguriang “Walk for Justice.” Sasalubungin ng mga bata mula sa CRC at Salinlahi Alliance for Children’s Concerns ang mga bata mula sa Timog Katagalugan sa Ayala Ave., Makati City at magmamartsa patungo sa Plaza Miranda, Maynila. Para kay Kyle, na sa murang edad ay namulat sa pampulitikang reyalidad sa bansa dahil sa paglabag sa karapatang pantao ng kanyang ama, dapat lamang na nakikilahok ang mga batang Pilipino sa mga usaping nakakaapekto sa kanilang kinabukasan. Laging nanonood ng balita sa telebisyon si Kyle o di kaya’y nagbabasa ng mga pahayag mula sa iba’t ibang organisasyon sa Pilipinas. Lagi rin siyang kinukuwentuhan ng kanyang mga magulang hinggil sa pinakahuling mga kaganapan sa bansa. Kaya’t may tindig siya, kahit sa Charter Change, isang usapin na hindi karaniwang naiintindihan ng mga bata na kanyang edad. “[Tutol ako rito dahil naniniwala akong] ang Pilipinas ay para sa mamamayang Pilipino,” aniya hingil sa hakbang na binabatikos dahil sa posibleng dulot nitong term extension ni Arroyo at pagbubukas ng lupain sa dayuhang pagmamay-ari. May pangwakas na mensahe si Kyle para sa kanyang mga kababayan: “Ituloy ang pakikibaka, kasama ninyo ako!”
Geplaatst op: 22 juli 2009 door sarah
Kampeon ng mga batang naulila sa gobyernong Arroyo

Categorie: Uncategorized